NI EDWIN MORENO
PUSPUSAN na ang isinasagawang manhunt operation ng mga kawani ng Cavite Provincial Jail sa lungsod ng Trece Martires matapos matakasan ng isang person deprived of liberty (PDL) na nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga.
Kinilala ang pugante sa pangalang alyas Jayson na may nakabinbin kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Carnapping sa Laguna.
Ayon kay Provincial Jail Guard II Unica Nica C Diaz, dakong ala 1:44 ng madaling araw noong nakalipas na Linggo nang pumuga si Jayson na umano’y tumalon sa isolation tower ng piitan Barangay Lapidario ng naturang lungsod.
Kasado na rin ang imbestigasyon sa hanay ng mga jail guards na nakaduty sa oras sa naganap ang pagtakas.
