TULUYAN nang nagretiro bilang hepe ng Philippine Navy si Vice Admiral Toribio Adaci Jr., ayon sa Presidential Communications Office.
Sa pagreretiro ni Adaci, hinirang naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Rear Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta bilang ika-41 pinuno ng Philippine Navy.
Sa isang seremonya sa punong himpilan ng Philippine Navy, personal na pinangasiwaan ng pangulo ang change of command, kung saan binigyan ng pagkilala ang serbisyo ng retiradong Navy chief sa usapin ng West Philippine Sea.
“It is through his leadership that we remain firm in asserting our rights in the maritime domain while keeping to our responsibility of safeguarding lives and promoting regional peace and stability,” wika ng Pangulo.
Positibo naman si Marcos sa kakayahan ni Espeleta ituloy ang mataas na pamantayang sinimulan ng kanyang pinalitang opisyal ng may integridad at kayang lampasan ang mga hamon sa mga darating na araw.
