Ilocos Norte celebrates the 118th Independence Day of the Republic of the Philippines. June 12, 2016. http://www.ilocosnorte.gov.ph/ http://www.facebook.com/IlocosNorteOfficial / http://www.facebook.com/ImeeMarcos / for hi-res photos, visit http://www.flickr.com/photos/ilocosnorte or email media[at]ilocosnorte[dot]gov[dot]ph (PGIN CMO Photo / Alaric A. Yanos)
PARA sa isang mambabatas, isang mabigat na dagok ang memorandum circular na inilabas ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagtanggal ng mandatory at specialized training sa talaan ng meritong batayan sa pagtaas ng ranggo.
Sa isang pahayag, pinuna ni Senador Ronald dela Rosa ang NAPOLCOM Memorandum Circular na aniya’y nakakaapekto sa career advancement ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP).
Sa Senate plenary deliberations para sa panukalang 2025 budget ng Department of the Interior and Local Government’s (DILG), ipinabatid ni dela Rosa ang alalahanin ng PNP officers hinggil sa Napolcom memorandum circular na nagsasabing ang lahat ng mandatory at specialized training ng mga police officer ay hindi na kasali sa itinakdang “time in grade requirement” para sa partikular na ranggo.
Ayon kay dela Rosa na nagsilbing PNP chief mula 2016 hanggang 2018, malaking epekto ang naturang kautusan sa hanay ng kapulisan. Aniya, posibleng mawalan ng gana ang mga pulis kumuha ng advanced classes para sa asam-asam na promotion.
“Nire-require pa natin ang ating mga tao na mag-schooling as a requirement for promotion. Ngayon, hindi na natin ika-count yung kanilang schooling sa time in grade,” ani dela Rosa.
“Mahirap intindihin ng ordinaryong pulis dahil first time ito nangyari… Ibig sabihin pag nag-schooling ka ng mandatory schooling or specialized schooling, parang wala kang ranggo noon kasi hindi counted yung panahon na yun,” dagdag pa ng senador.
Pangamba pa ng senador, hindi malayong maramdaman ang demoralisasyon sa hanay ng kapulisan.
“Nakaka-demoralize talaga ito… Lahat naman tayo gustong happy ang ating kapulisan because they are serving this country and they’re offering their lives in the service of this country. So, marapat lamang na dapat happy sila, hindi sila malungkot,” giit ng Mindanaoan lawmaker.
Aminado naman si Senate Majority Leader Francis Tolentino na tumatayong sponsor sa panukalang budget ng DILG, na nagkaroon ng pagkakamali ang NAPOLCOM sa memorandum circular na kinukuwestyon ni dela Rosa.
“Dapat po yun ay time and position at ang nangyari po dito ay binabago, nire-reorganize yung NAPOLCOM and nakakasigurado po kayo, your honor, na once na ma-reorganize ang NAPOLCOM, mag-i-isyu ng bagong circular rectifying all these errors which your honor just mentioned. So itatama po ito,” ani Tolentino.
Ikinalugod naman ni dela Rosa ang tugon ng DILG at sinabing mas mabuti na ang magiging promosyon sa mga pulis kung ang “time in grade” na terminong nakalagay sa memorandum circular ay mapapalitan ng mga katagang “time in position.”
“That is beneficial to the policeman kasi [if it is] time in position, nag-schooling ka for six months, tapos ‘yung position na yan requires na at least one year ka lang d’yan, nabawasan ka na ng six months sa position na yan dahil nag-schooling ka na,” paliwanag ng former top cop-turned-senator.
Nagpahayag din ng suporta si PNP Chief Gen. Rommel Marbil.
“I’m sure that we are in agreement as far as our position in this particular policy [is concerned],” sabi ni Dela Rosa. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
