SA halip na mabawasan, lalo pang lumolobo ang pagkakautang ng bansa sa mga international at domestic financial institutions.
Sa datos ng Bureau of Treasury, nadagdagan ng P70 bilyon ang utang ng pamahalaan noong Nobyembre para sa all-time high na P16.09 trilyon – katumbas ng P139,921 na kailangan bayaran ng hindi bababa sa 115 milyong Pilipino, kabilang ang mga bagong silang na sanggol.
Ayon BTr, P10.92 trilyon ang inutang sa loob ng bansa sa pamamagitan ng pag-isyu ng treasury bills at bonds at P5.17 trilyon naman ang pasok sa kategorya ng foreign debt. Mahigit naman sa kalahati ng foreign debt ay inutang sa mga foreign banks at investors sa pamamagitan ng pag-isyu ng global bonds.
Nasa P2.45 trilyon anila ang direktang inutang sa ibang mga pamahalaan at multilateral agencies na kadalasan ay mas mababa ang sinisingil na interes.
Pumalo naman sa P2.72 trilyon ang inutang sa pamamagitan ng global bonds na mas mataas ang interes. Nasa P2.34 trilyon ay inutang na dolyar at P218.49 bilyon naman ay Euro ang denominasyon at P59.32 bilyon ay Yen-denominated.
