PAGKATAPOS tanggalan ng prangkisa, kumambyo ang Kamara sa inihaing panukalang naglalayong talakayin ang paggagawad ng legislative franchise para sa muling pag-ere sa telebisyon at radyo ang mga programa ng ABS-CBN Corp. Sa House Bill 11252 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, target bigyan ng 25-taong prangkisa ang ABS-CBN matapos kapunin ng Kamara sa panahon ng nagdaang administrasyon. “I believe that the free market of ideas requires competition. A virtual monopoly will not do, as far as disseminating ideas and keeping the public informed is concerned,” wika ni Salceda. “I also owe it to Albay. ABS-CBN remains the single most important news source in Albay, despite its lack of a franchise,” aniya pa. Para kay Salceda, wala nang dahilan para pagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN na aniya’y inabswelto ng Securities and Exchange Commission (SEC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation UTANG PA MORE: SABIT NG PINAS, P16.09 TRILYON NA RIGHTSIZING BILL APRUB BAGO SUMAPIT HUNYO