TAPOS ang ang pandemya pero ang bakas ng katiwalian sa panahon ang walang katiyakan, hindi pwedeng kalimutan na lang, ayon sa Commission on Audit (COA).
Base sa pagsusuri ng COA, hindi bababa sa 68 milyon doses ng bakuna at booster shots kontra COVID-19 ang itinambak lang ng Department of Health (DOH) hanggang sa tuluyang hindi na pakinabangan.
Sa datos ng COA, pinakamarami ang nasayang 2021 hanggang 2022 — tumataginting na P74.68 milyong halaga ng bakunang hindi na nagamit sa ilalim ng COVID-19 Vaccination Program ng gobyerno.
Palusot ng DOH na noo’y pinamumunuan ni former Health Secretary Francisco Duque, ayaw tanggapin ng mga lokal na pamahalaan ang bakuna dahil sa kawalan ng “cold storage facility” at tinatawag na “shelf life.”
Gayunpaman, hindi nakatala sa pagsusuri ng COA kung ilan sa 252-milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang binili ng gobyerno – at kung ilan ang donasyon mula sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) na inisyatiba ng World Health Organization (WHO) para sa mga bansang kapos ang pondong pambili ng bakuna laban sa pandemya.
