ILANG araw matapos ang halalan, binalasa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bisa ng pagtatalaga kay Atty. Patricia Yvonne Caunan bilang bagong administrator.
Sa paghirang kay Caunan, tuluyan nang namaalam si Administrator Arnell Ignacio.
Batay sa datos ng Palasyo, nagsilbing Undersecretary for Policy and International Cooperation ng Department of Migrant Workers (DMW)si Caunan na nanumpa na sa bagong tungkulin kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.
Sa isang mensahe, lubos na pinasalamatan ni Caunan ang Pangulo sa tiwala at kumpiyansa para pangasiwaan ang OWWA.
Inatasan din ni Marcos si Caunan agapan ang pagtugon sa pangangailangan at hinaing ng mga overseas Filipino worker, isulong ang malasa
“Alam kong napakarami pa nating kailangang gawin. Naniniwala ako na kailangan natin ang isang OWWA, isang DMW at isang gobyerno para sa OFW,” ani Caunan.
