Provincial election officer Alvin Prandy Canda proclaims Gov. Robert Lyndon Barbers as winner in the gubernatorial race for his second term. Photo from Gov. Lyndon Barbers FB page
NAPANATILI ng Barbers clan ang kanilang political control sa Surigao del Norte kasunod ng malaking tagumpay nito sa gubernatorial race at labanan para sa second district congressional seat ng naturang lalawigan sa katatapos na mid-term polls.
Pormal na iprinoklama ng Commission on Elections Provincial Board of Canvassers sina incumbent Gov. Robert Lyndon Barbers at Congresswoman-elect Bernadette Barbers, na maybahay ni outgoing Rep. Robert Ace Barbers, isang araw matapos ang May 13, 2025 elections.
Kapwa nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat sina Gov. Robert Lyndon at Cong. Bernadette sa suportang ibinigay sa kanila ng mga mamamayan ng Surigao del Norte, na karamihan ay long-time supporters’ ng pamilya Barbers mula noong panahon ng yumaong Senador Robert “Bobby” Barbers, na nagsilbi rin bilang kongresista ng lalawigan at Kalihim ng Department of Interior and Local Government.
Base sa resulta ng halalan, si Robert Lyndon ay nakakuha ng 173,037 boto at lamang ng 5,803 boto kontra sa katunggaling si Bingo Matugas, na mayroong 167,234 na boto.
Si Bernadette Barbers naman ay mayroong 123,091 boto at lumamang ng 24,042 votes sa kalabang si Jun Jun Egay na nakuha lang ng 98,639 votes.
Maging ang kaalyado ng mga Barbers’ na si incumbent Surigao City Mayor Paul Dumlao ay panalo rin laban kay Nitoy Matugas.
Naging susi sa tagumpay ng mag-anak ang masigasig na pangangampanya ni three-termer Congressman Robert Ace Barbers kung saan pinaalalahanan ng mambabatas ang kanilang mga kababayan na huwag magpadala sa pangakong hindi naman kayang tuparin ng kabilang partido.
“Despite our wins, I am convinced that something still happened along the way in the electoral processes in the province, that there is some sort of an anomaly which I am still trying to find out or figure out. Why? Because we all were expecting huge leads in the number of votes over our rivals in the mainland Surigao del Norte,” wika ng outgoing lawmaker.
“And we also put up a good fight over towns in Siargao Island despite knowing the place is our rival’s bailiwick,” dagdag niya.
Lubos din ang pasasalamat nina Robert Lyndon, Bernadette at Robert Ace sa Diyos sa kanilang panalo, kasabay ng pangakong gagawin ang lahat para sa mahusay na gampanan ang tungkulin at mapabuti ang tinubuang lalawigan. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
