MATUTULOG sa sahig kung kailangan kung masikip ang kulungan, walang cellphone at walang espesyal na pribilehiyo.
Ganito ang paglalarawan ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) sa kondisyon ni former Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr. sa loob ng NBI detention facility sa New Bilibid Prisons compound sa Muntinlupa City.
“Right now, he is under detention at an NBI prison facility, which just happened to be in BuCor (Bureau of Corrections) kasi nga ginagawa yunng building ng NBI sa Taft,” wika ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez.
Kasalukuyang nakapiit si Teves sa NBI facility na nasa loob ng NBP compound habang hinihintay ang korte maglabas ng commitment order na tutukoy kung saan mananatili ang dating kongresistang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa sa bayan ng Pamplona noong Marso 2023 – bukod pa sa kasong murder noong 2019. (ITOH SON)
