
HAYAGANG tinabla ni Vice President Sara Duterte ang alok na reconciliation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Duterte, mas angkop kung pagtuunan lang ng pansin ni Marcos ang kapakanan ng publiko.
“Unang-una, hindi muna siguro ako magsalita about reconciliation dahil hindi naman mahalaga siguro ang mga personal na problema… Ang mas mahalaga is yung taumbayan at iyong bayan natin,” wika ng bise presidente sa isang panayam sa The Hague.
Una nang sinabi ni Marcos na bukas ang administrasyon sa “reconciliation” sa mga Duterte.
“Oo, ako, ayoko ng gulo. Gusto ko magkasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway, hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan.”