HINDI na nagawa pang isalba ng mga manggagamot ang buhay ng tatlong indibidwal na napisak matapos bagsakan ng isang dambuhalang bato ang sinasakyang SUV sa lungsod ng San Pablo, sa lalawigan ng Laguna.
Dalawa iba — kabilang ang driver ng naturang SUV ang agaw-buhay sa ospital.
Batay sa ulat ng lokal na pulisya, dakong alas 2:00 ng madaling araw kanina nang magsalpukan ang isang SUV at pampasaherong bus sa panulukan ng 7UP Road at Soledad Santissimo Road sa Barangay San Francisco sa nabanggit na lungsod.
Agad naman isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang driver ng bus habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
