PANSAMANTALANG nagambala ang pamamahinga ng mga Cagayanon matapos yanigin ng isang magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naganap ang lindol dakong alas 2:45 Sabado ng hapon. Wala naman umanong naiulat na nasawi o nasaktan. Hindi rin anila inaasahan ang aftershocks.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng PhiVolcs, hilagang kanluran ng Calayan ang epicenter ng lindol na may lalim na 10 kilometro. (LILY REYES)
