DEAD on the spot ang isang tanyag na radio broadcaster matapos barilin ng hindi pa natutukoy na salarin sa Bislig City sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Batay sa inisyal na impormasyon ng pulisya, kinilala ang biktima sa pangalang Erwin Segovia, isang radio broadcaster na mas kilala sa pangalang “Boy Pana.”
Sa ulat ng pulisya, binaril ng hindi pa nakikilalang indibidwal ang biktimang lulan ng motorsiklo sa Barangay Mangagoy.
Paglilinaw ng Philippine National Police (PNP), patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat sa hangaring matukoy ang motibo at matunton ang suspek sa likod ng pagpatay kay Segovia. (EDWIN MORENO)
