SA halip na malamig na opisina, masikip na selda muna ang magsisilbing tanggapan ng isang alkalde matapos dakpin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Clark Freeport sa Pampanga.
Kinilala ni NBI Director Jimmy Santiago ang suspek na si San Simon (Pampanga) Mayor Abundio Punsalan Jr. na inaresto bunsod ng ireklamo mula sa isang kumpanya sa bayan ng San Simon.
Batay sa reklamo ng kumpanya, hinihingan umano sila ng pera ng alkalde kapalit ng paborableng resolusyon mula sa lokal na pamahalaan.
Bukod kay mayor, arestado rin ang bodyguard ng alkalde.
Samantala, pormal na rin inihain ng NBI sa Department of Justice ang kaso laban kay Abundio.
