ANG hapdi natitiis, pero ang kati hindi. Ito marahil ang nasa isip ng isang Police Major matapos sampahan ng kaso ng isang kadeteng umano’y minolestiya sa loob mismo ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite.
Batay sa reklamong inihain ng kadete, nilasing, hinubaran at saka pinagsamantalahan umano siya ng police major noong Hulyo 31.
Samantala, kinumpirma sa National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan na naglunsad na ng malalimang pagsisiyasat ang Inspection, Monitoring, and Investigation Service (IMIS) kaugnay ng alegasyon sa hindi pinangalanang police major.
“If this is proven true, it’s clearly dismissal from the service. There’s no bargaining there,” wika ni Calinisan.
Kinumpirma rin ni Lt. Col. Louie Gonzaga na tumatayong hepe ng Silang Police Station ang pag-aresto sa police major na sinampahan na ng bukod na kasong Acts of Lasciviousness.
“From this blotter excerpt, ito po ay arrested, rightfully so. Then he would be subject to admin proceedings na ngayon na po ay iniimbistigahan ng Napolcom,” dagdag pa ni Calinisan.
Nananatiling tikom ang PNPA sa insidente.
