SA dami ng ikinanta, tuluyan nang isinailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Discaya at tatlong dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pawang aminadong sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, kabilang sa nagpahayag ng kahandaan tumindig sa korte bilang state witness sina Engr. Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza na dating nanungkulan sa Bulacan First Engineering District.
Pasok din sa talaan ng mga magdidiin sa mga bigating personalidad ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Kabilang naman sa mga ikinantang tumanggap umano ng komisyon sa inilaang pondo sa bisa ng budget insertion ang anim na senador at 15 kongresista ng Kamara.
