HIGIT pang karahasan ang posibleng sumiklab sa mga susunod na demonstrasyon dahil sa umano’y pagkiling ng Commission on Human Rights (CHR) sa mga aktibistang naghasik ng kaguluhan sa kilos-protesta kontra korapsyon sa lungsod ng Maynila.
Para kay former Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, hindi angkop na protektahan ng komisyon ang pasimuno sa kaguluhan.
Tinuligsa ni Barbers na nagsilbing chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa nakaraang 19th Congress, ang mali at hindi napapanahong panghihimasok ng CHR .
Partikular na tinukoy ni Barbers ang pagbibigay ng abogado ng CHR sa mga inarestong indibidwal.
Gayunpaman, nilinaw ng former Mindanaoan congressman na bagamat kanyang kinikilala ang mandato ng CHR na itaguyod ang karapatang pantao ng bawat Pilipino, may mga pagkakataong higit na angkop mangibabaw ang kapakanan ng mas nakararami.
“If the masked hooligans we saw on social media and TV doing violent acts and disrupted orderly protest rallies at Luneta Park, Ayala Bridge and Chino Roces Bridge last September 21 would be ensured by CHR of protection and legal assistance, it would most likely embolden, promote and encourage hooliganism in the future,” wika ni Barbers.
“And what about the rights of the owners of the destroyed and looted hotel and nearby shops and stores in Mendiola, their employees who were robbed of money and their belongings, the police officers who were injured – mauled and stomped with stone and glass bottles. Can or will the CHR also extend a helping hand to these aggrieved officers, businessmen and civilians?,” dugtong ng dating kongresista.
Samantala, hinimok naman ni Barbers ang mga awtoridad, partikular ang Manila Police District (MPD) na isailalim sa drug test ang arrested rallyists, hindi para kasuhan at ikulong sa halip ay isailalim sa rehabilitation sakaling magpositibo.
“Sabi ng ilang magulang ng naarestong mga bata na di nila alam na sumama ang kanilang mga anak sa rally sa Mendiola. So, posible rin na ang ilan sa mga batang ito, dahil sa hindi normal na asal na ating nasakisihan, ay gumagamit din ng droga,” aniya pa.
Naniniwala si Barbers na organisado ang marahas na rally lalo’t may mga impormasyon na binayaran umano ng P3,000 bawat isang sinasabing nasa likod ng matinding panggugulo.
“Sa tingin ko, bukod sa ‘sinusian’ at binayaran ang mga ito ng tig-P3,000, at dahil sa obvious na hindi normal na kanilang galawan, ay kargado rin ang mga batang ito ng ipinagbabawal na gamot tulad ng shabu at rugby,” ayon pa sa dating mambabatas. (ROMER R. BUTUYAN)
