PARA kay Senador Panfilo Lacson, walang dahilan ang Blue Ribbon Committee para balewalain ang testimonya ng retiradong sundalo kaugnay na partisipasyon sa paghahatid ng male-maletang pera sa bahay ng dalawang prominenteng kongresista.
Paglilinaw ni Lacson, walang aberya sa testimonya ni Orly Guteza sa kabila ng bulilyaso sa notaryo.
“What should be considered is the substance of the affidavit, that, unless refuted, and if corroborated, may be treated as sufficient evidence against those implicated by Guteza,” wika ni Lacson.
“As far as yung Blue Ribbon Committee, under oath naman siya [Guteza] nung kanyang isinalaysay lahat ng yun eh,” dagdag pa ng senador sa isang panayam sa radyo.
Ayon kay Lacson, bahala na ang husgado sa pagsisinungaling ni Guteza nang igiit na siya mismo ang nagpanotaryo ng affidavit na isinumite sa komite.
Hindi rin aniya dapat magpa-apekto ang senado sa naturang usapin – at lalo rin aniyang walang plano ang komite ipatawag sa pagdinig ang notaryo publikong abogado. (ESTONG REYES)
