UPANG masiguro na mabibigyan ng kaukulang serbisyong medikal ang mga nasa liblib na lugar — partikular ang mga katutubo – iminungkahi ng mag-asawang Solid North Partylist Rep. Ching Bernos at Abra lone district Rep. JB Bernos, ang pagsasanay at pagtatalaga ng tinatawag na tribal health workers (THW).
Sa ilalim ng akdang House Bill 6533 (Tribal Health Workers Bill), tinutulak ng Bernos tandem magkaroon ng THW sa lahat ng tribal communities na nasa sampung kilometro ang layo mula sa barangay center, kung saan dapat din magkaroon, anila, ng isang TWH sa bawat 30 pamilya.
“The THWs will act as a bridge between mainstream health services and indigenous communities. We envision them providing culturally-sensitive primary healthcare using both modern and indigenous knowledge,” wika no Rep. Ching Bernos.
“Under the proposed measure, the tribal chief, in accordance with the community’s traditions, shall appoint the THW and submit their name to the local health board, who in turn shall register the appointed THW. The local health board would also furnish a copy of its list of THWs to the Department of Health, which shall maintain a national database,” dugtong ng lady solon.
Ang itatalaga bilang tribal health workers ay aatasan gumawa ng herbal garden na magagamit din ng mga naninirahan sa komunidad kung saan sila nakatalaga, katuwang ang lokal na pamahalaan, at Community Environment and Natural Resources Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nakapaloob sa HB 6533 ang pagkakaroon ng THWs ng mga sumusunod na benepisyo: libreng PhilHealth insurance at hospitalization sa work-related emergencies; free tuition sa public high schools at universities, na maaaring ipasa ng THW sa isa sa kahit sinong lehitimong mga anak niya.
Umaasa si Rep. JB Bernos na sa pamamagitan ng THWs, mapupunan ng gobyerno ang kakulangan sa public health services lalo na para sa mga katutubong Pilipino.
“Marami sa ating mga IP ang mas madaling magkasakit dahil sa kakulangan ng nutrisyon at agarang access sa serbisyong medikal at pangkalusugan. Nakikita natin ang mga BHW bilang isang hakbang para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan na malayo sa sentro.”
