BINIGYAN-DIIN ni House Majority Leader Ferdinand Sandro Marcos na walang intensyon ang isinusulong niyang “no work, no pay” policy na puntiryahin ang sinumang kasapi ng lehislatura – sa senado man o kamara.
Ani Marcos, ang layunin lamang ng kanyang panukala mapatatag ang Kongreso bilang isang institusyon para sa mas mahusay na lehislatura.
“I’m not singling anyone out. I think this is just the right step forward for the legislature as an institution,” wika ng Presidential son at Ilocos Norte lawmaker.
“It’s no secret that there have been cases of absenteeism and people not showing up to committee hearings or joining debates on the floor,” dugtong ni Marcos sa isang ambush interview.
Pinunto ni Marcos ang pangangailangan ng aktibong partisipasyon ng bawat mambabatas upang makabuo ng mahusay at epektibong batas para sa kapakinabangan ng bawat mamamayang Pilipino.
“And you know, generally, the more people debate on legislation, the better-quality legislation is produced. So really, we’re just trying to make sure that the best laws are passed for the Filipino people.”
Sa inihaing House Bill 7432 (No Work, No Pay for Members of Congress Act), nais ni Marcos na ang sweldo at iba pang benepisyo ng mga mambabatas ay dapat ibase sa attendance at partisipasyon sa plenary sessions, committee hearings, at iba pa nilang official legislative duties.
Agad namang umani ng suporta mula sa hanay ng tinaguriang House Young Guns bloc, ang panukalang nagsusulong ng “institutional reform at, accountability.” (ROMER R. BUTUYAN)
