HIGIT na pasakit ang hatid ng panibagong dagdag-presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo sa merkado pagsapit ng Martes, Marso 24 ng kasalukuyang taon.
Sa pagtataya ng mga oil industry players, maglalaro sa P7.50 hanggang P8.50 kada litro ang pagtaas ng presyo sa gasolina.
Samantala, double digit naman ang inaasahang dagdag presyo sa diesel — mula P16.50 hanggang P17.50 kada litro.
Gayunpaman, bahagyang pinawi ng Department of Energy (DOE) ang agam-agam ng mga motorista. Ayon sa kagawaran, sapat pa rin umano ang suplay ng langis sa bansa.
“What is unpredictable is the hoarding part. Kung mag-hoard ang isa, maapektuhan ang iba, especially ang PUVs. We need to curtail hoarding and not cause more panic among our people,” wika naman ni Energy Secretary Sharon Garin.
