MINALIIT ng Office of the Ombudsman ang obserbasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa kawalan umano ng rekord na direktang nagdadawit kay former House Speaker Martin Romualdez sa flood control kotong. Ayon kay Atty. Joshua Tan na tumatayong miyembro ng special panel of investigators ng Office of the Ombudsman, si Romualdez ang “central figure” sa likod ng daan-bilyong kickback mula sa mga flood control projects na pinangasiwaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa ginanap na bail hearing ni Romualdez na nahaharap sa P7.4 bilyong plunder case, iginiit ni Tan na hindi kailangan personal na humarap ang isang mastermind para tumanggap ng delihensya. Aniya, gumamit umano ng impluwensya ni Romualdez para magkamal ng pera mula sa kickback at komisyon mula sa mga flood control projects na pinondohan sa pamamagitan ng budget insertions. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 4,000 MPBs sa 2027 budget, dadaan sa butas ng karayom