NANAWAGAN si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahan bilang isang urgent bill ang naihaing House Bill 8495, na nagsusulong maglaan ng P52.8-billion supplemental budget para sa repatriation ng overseas Filipino workers (OFW) at financial assistance naman sa transport sector workers, mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Middle East crisis
“The ongoing conflict in the Middle East creates a spillover effect on the cost of other goods, compounding poverty and hunger among our people. Nananawagan tayo sa Malacañang na i-certify bilang urgent ang panukalang ito,” apela ni Diokno.
“Dapat maging katuwang ng mahihirap ang gobyerno sa gitna ng krisis na ito. As Congress is on a break, we urge our colleagues in the House to hold committee deliberations on the bill and if necessary, conduct a special session to approve the same—hindi tumitigil ang krisis na ito, imbes patuloy pa itong lumalala,” dagdag ng militanteng kongresista.
Giit ni Diokno, ang mungkahing pagkakaroon ng supplemental budget ay makatutulong sa pamahalaan para agarang makapagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng oil price shock.
“Marami pang sektor ang kailangang abutin at tulungan, malaking bagay ang supplemental budget para masigurong walang sektor ang mapag-iiwanan sa gitna ng krisis na ating nararanasan,” anang Akbayan partylist solon.
Sa ilalim ng HB 8495, kung saan co-author din sina Akbayan Partylist Representatives Percival Cendaña at Dadah Kiram Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, sa P52.8-billion supplemental budget, ang P12 billion ay gagamitin bilang fuel subsidies sa public utility vehicle drivers at transport workers, habang P2.8 billion para sa agricultural subsidies.
Nais din mga nabanggit na mambabatas gamitin ang P18 billion bilang emergency fund para naman sa repatriation at P20 billion bilang assistance at reintegration fund sa hanay ng OFWs.
