NAGHAIN ng panukalang batas ang Makabayan bloc na naglalayong amyendahan ang Republic Act 7581 o ang Price Act.
Target ng House Bill 8765 maisama sa hanay ng prime commodities ang gasolina, diesel at iba pang produktong petrolyo.
Sa isang joint statement, binigyan-diin ng ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Rep. Atty. Renee Louise Co na “malinaw ang krisis sa presyo ng langis at hindi dapat pinababayaan ang kartel na maghari-harian.”
“Petroleum prices directly drive transport fares, electricity rates, and the prices of food and other essentials, yet under oil deregulation since 1998, price spikes have been left largely unchecked and monopoly oil firms have been allowed to dictate the people’s cost of living,” ansng mga militanteng mambabatas.
Ang nararanasan oil price shock bunsod resulta ng lumalalang geopolitical conflict at supply disruptions ay sinasamantala ng ilang negosyante sa paraan ng pagtataas sa pump prices kahit pa lumang stocks na binili sa mas mas mababang halaga.
“Habang nagdurusa ang mamamayan, kumakamal ng supertubo ang malalaking kumpanya ng langis, at ang mga nagkukunwaring “mitigation” measures ng gobyerno sa pamamagitan ng token subsidies at panakip-butas na hakbang,” himutok pa ng mga kongresista.
Iginiit ng Makabayan bloc na sa bisa ng HB 8765 ay mapalalakas ang kapangyarihan ng pamahalaan na magtakda ng price ceilings sa mga produktong petrolyo kapag mayroong kalamidad, emergencies at sa pagkakataong may nagaganap na malawakang illegal price manipulation o artificial price increase.
“This measure, however, is only an urgent relief and accountability tool, not a complete solution to the structural damage caused by the Downstream Oil Industry Deregulation Act. Congress must move with urgency to advance deeper reforms, including stronger regulation of the downstream oil industry, centralized oil procurement, Petron renationalization, and mandatory unbundling of oil prices,” paliwanag pa ng grupo.
“Hindi sapat ang band-aid kung deregulasyon ang ugat; dapat wakasan ang sistemang nagpapayaman sa iilan at nagpapahirap sa nakararami.”
