HANDA ang Kamara na tugunan ang pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ‘State of National Emergency’ sa pamamagitan ng pagpasa ng kinakailangang batas para maibsan ang mabigat na epekto ng oil price hike.
“The House will move with the same urgency, through targeted interventions, close oversight, and real relief for our people,” wika ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, kasabay ng pahayag ng suporta sa nasabing deklarasyon.
“President Bongbong Marcos moved with urgency because the threat is real and immediate. This is about staying ahead of the crisis before it hits Filipino families harder,” dagdag ng lider ng Kamara.
Ani Speaker Dy, napapanahon ang naturang hakbang lalo’t nararapat lamang na solusyonan ang patuloy na krisis na dulot ng giyera sa Middle East.
“Kapag naantala ang suplay ng enerhiya, hindi lang ilaw ang mawawala, pati transportasyon, pagkain, at kabuhayan ang tatamaan. Kaya dapat tayong kumilos nang maagap at may buong pagpapasya,” dugtong ng kongresista mula sa Isabela.
Ayon kay Speaker Dy, nauna nang kumilos ang Kamara sa pag-apruba ng mga panukalang batas na magbibigay ng agarang tulong sa mga mamamayan para maibsan ang epekto ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo kung saan damay na rin ang iba pang pang araw-araw na gastusin.
Samantala, kinatigan ng Isabela lawmaker ang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT), bilang isang whole-of-government response framework at pagbuo ng komite para dito.
“UPLIFT is about discipline and coordination in government, ensuring steady supply of fuel, food, and other essentials while leaving no sector behind,” sabi ni Speaker Dy.
Kaya naman tiniyak niya susunod ang Kamara sa mithiin ng UPLIFT sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas na magpapabilis sa aksyon ng pamahalaan na mararamdaman ng taumbayan sa gitna ng Middle East crisis.
“In moments like this, unity in government is not optional. It is essential to protect our people and keep the nation moving forward.”
