HINDI pa man sumasapit ang buwan ng Mayo, pumalo na sa 42°C ang heat index na naranasan sa apat na lugar sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Kabilang sa mga lugar kung saan nakaranas na matinding init ang Pasay City sa Metro Manila, gayundin ang lungsod ng Cavite, Cotabato City sa Maguindanao at Butuan sa Maguindanao del Norte.
Payo ng Pagasa, sa publiko, iwasan lumabas sa katanghalian hanggang hapon lalo pa’y pasok na anila sa kategorya ng danger level ang antas ng alinsangan na dulot ng tinatawag na high pressure area.
Kabilang sa mga panganib sa kalusugan na dulot ng matinding init ang heat cramps, heat stress, at heat exhaustion.
