TILA mapupurnada pa yata ang planong excursion ng mga estudyanteng nagsisimula pa lang damhin ang summer vacation matapos maglabas ng anunsyo ang Department of Education (DepEd).
Sa isang kalatas, inihayag ni Education secretary Sonny Angara ang pormal na pagbubukas ng school-year 2026-2027 sa Hunyo 8 kasabay ng pagpapatupad ng three-term school calendar alinsunod sa DepEd Order No. 009 (series of 2026).
Batay sa DepEd Order 009 na nilagdaan ni Angara, magsisimula na ang klase sa ikalawang Lunes ng buwan ng Hunyo at magtatapos naman sa Abril 8 ng susunod na taon.
“It shall consist of 201 class days, from the first day of Term 1 to the last day of Term 3,” wika ng Kalihim.
“Adjustments to the school calendar due to unforeseen circumstances may be made through subsequent issuances.”
