WALANG anumang pagtutol ang Palasyo sa nakatakdang pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte sa limang magkakahiwalay na bansa.
Sa kalatas ng Palasyo, binigyan umano ng pahintulot ng Office ng the President si Duterte na maglakbay patungo sa Netherlands, South Korea, Belgium, Germany at United Kingdom.
Batay sa travel authority na may petsang Abril 22, 2026 tatlong linggo mawawala sa bansa ang pangalawang pangulo — Abril 23 hanggang Mayo 15, 2026.
Paglilinaw ng Palasyo, personal na pera ang gagastusin ng pangalawang pangulo sa pagbisita sa limang bansa.
