WALANG dahilan si Senador Antonio Trillanes IV para mabahala sa pagtanggi ni former Vice President Leni Robredo na tumakbo bilang Pangulo sa 2028 presidential elections.
Ang dahilan ni Trillanes, hindi naman umano si Robredo ang manok ng Magdalo.
Nang tanungin kung sino ang napipisil na pambato ng grupo, hayagang tinukoy ni Trillanes si Senador Risa Hontiveros.
Ayon kay Trillanes, nakapagpasya na ang kalipunan ng Magdalo bago pa man tablahin ni Robredo ang mga panawagan para sa tapatan si Vice President Sara Duterte sa halalang pampanguluhan.
“Nasa kanya (Hontiveros) ang kwalipikasyon at nakikinig, lumalaban. Kung baga, ipaglalaban ka si Senator Risa. Yun nga ang comparison eh, si Mayor Leni, both of them are good public servant pero ang kaibahan nila si Mayor Leni ipaglalaban mo eh pero si Senator Risa ipaglalaban ka,” wika ni Trillanes.
Samantala, hinikayat ni Trillanes si Robredo o si Senador Bam Aquino na suportahan si Hontiveros.
“Iendorso na lang niya either si Senator Bam or Senator Risa para talagang mailipat sa kanila ang suporta kay Mayor Leni,” dugtong ni Trillanes.
Noong 2022 presidential election, nakasungkit si Robredo ng mahigit 16 milyon ang boto kontra Marcos na nagwagi sa bisa ng 31-milyong boto.
