SA hangarin pasiglahin ang matamlay na turismo bunsod ng kinakaharap na krisis, inanyayahan ni House Speaker Faustino Dy III ang mga young Southeast Asian legislators para bisitahin ang Pilipinas sa mga darating na panahon.
Sa talumpati ni Dy sa 3rd Consultative Meeting of the Young Parliamentarians of the ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), ibinida ng lider ng Kamara ang Bohol bilang isa sa mga natatanging pasyalan na nagtataglay ng natural na ganda at kulturang maihahalintulad sa iba pang lugar sa rehiyon.
Sa isinagawang pagtitipon sa pamamagitan ng virtual conference, nagpahayag ng panghihinayang si Dy sa pagkakataong masilayan ng mga kapwa mambabatas mula sa karatig bansa sa Asya ang Panglao sa lalawigan ng Bohol.
Gayunpaman, nilinaw ng lider-kongresista na nananatiling bukas ang imbitasyon sa pagbisita sa bansa.
“We had planned to gather in Panglao, Bohol so that all of you could sample the best of what the Philippines has to offer: its beautiful beaches, the gracious hospitality of our people, and the rich tapestry of our culture and history,” wika ng House Speaker.
“(And) beyond its scenic landscapes, Bohol also represents a unique ecological link within Southeast Asia,” dugtong niya.
“As a bonus, we had hoped you would meet one of our region’s most remarkable little ambassadors—the tarsier, one of the smallest primates in the world, found only in Bohol and other parts of Southeast Asia,” saad din niya.
“We hope that in the future you will grant us the privilege of hosting you there,” ani Speaker Dy kasabay ng pagtitiyak sa patuloy na pagsusulong ng Pilipinas na palakasin ang people-to-people at parliamentary exchanges sa ASEAN region.
Una nang nagpasya ang mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansa sa Asya na kanselahin ang in-person gathering sa Panglao at gawin na lamang online event bunsod ng geopolitical tensions sa Middle East.
