SA gitna ng kabi-kabilang patutsada, inamin ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III tinalakay sa usapin ng Charter Change (ChaCha) sa isang pulong kasama sina House Speaker Faustino Dy III at Senador Panfilo Lacson sa isang pulong sa casino-hotel sa Parañaque City.
Sa nasabing pulong, nagmungkahi umano ni Speaker Dy ng Charter Change. Kabilang rin aniya sa pinag-usapan ang regional na paghalal ng senador imbes na nationwide.
Sa naturang proseso, magiging 36 ang miyembro ng Senado mula sa kasalukuyang 24.
“Tinanong ko pa siya, ilan ba ang kwartong pinapagawa sa New Senate Building? I even ask that, sabi niya why, kako itong mga congressman gustong gawing regional gusto nilang gawin 36 ang mga senador, tinatanong ko kung kakasya doon,” ani Sotto.
Una nang ibinunyag sa bisa ng privilege speech ni Senador Imee Marcos ang nasabing pulong na binigyang linaw naman ni Sotto. Aniya, hindi niya inayunan ang mungkahi ng lider ng Kamara.
Giit ni Sotto, hindi siya kailanman pumabor sa ChaCha kahit pa Constituents Assembly (ConAss) o Constitutional Commission (ConCon) para baguhin ang 1987 Constitution.
Samantala, sinupalpal ni Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno ang kapatid na senador ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos banggitin ang pangalan ng Antipolo congressman sa usapin ng ChaCha.
Gayunpaman, nilinaw ni Puno na ang panukalang House Bill 5870 na inihain noong Nobyembre ng nakalipas na taon ay naglalayon lang linawin ang katahang “forthwith” sa ilalim ng 1987 Constitution.
