TULAD ng inaasahan, pormal nang sinampahan ng kasong plunder si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y kickback sa mga pinondohang flood control projects.
Pinangunahan ni Assistant Ombudsman Mico Clavano ang paghahain ng asunto laban kay Estrada na dati nang nakulong sa kahalintulad na kasong kaugnay ng tinaguriang pork barrel scam.
Bukod sa plunder, kabilang rin sa mga asuntong inihain laban sa naturang senador ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Kasama rin sa kaso si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Uuna nang idinawit si Estrada sa flood control scandal ni dating DPWH Bulacan District Engineer Brice Hernandez sa umano’y pagtanggap ng kickback mula sa mga proyekto.
