TIKOM ang bibig ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa puspusang pagtugis sa kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Gayunpaman, kinumpirma ng CIDG na may ideya na ang mga pulisya sa posibleng kinaroroonan ni Dela Rosa.
Sa isang pulong-balitaan sa Camp Crame, tumanggi ni CIDG Director Maj. Gen. Robert Alexander Morico maybigay ng “clue” lalo pa’t patuloy aniya ang isinasagawang beripikasyon ng mga operatiba.
Nahaharap ang puganteng senador sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan bilang Philippine National Police (PNP) chief sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
“It’s an operational undertaking which I cannot reveal, but, of course, we have leads,” ani Morico, kasabay ng giit na kabilang sa tinututukan ang mga taong posibleng tumutulong kay Dela Rosa upang makaiwas sa mga awtoridad.
“Part of our manhunt is to identify all the people who helped him. All information that is coming in is being validated. There will be no stone left unturned,” aniya pa.
Huling nakita si Dela Rosa kasama si Senador Robin Padilla habang umaalis sa Senado noong Mayo 14 ng madaling-araw.
