BAHAGYANG naibsan ang alalahanin ang mga motorista bunsod ng ikinasang bigtime rollback sa mga binebentang produktong petrolyo sa bansa.
Sa kalatas ng Department of Energy (DOE), inirekomenda ng ahensya ang minimum rollback na P4.76 kada litro sa gasolina, habang P9.26 naman ang bawas sa krudo.
Kasama rin sa tapyas presyo ang kerosene na inaasahang babawasan ng P10.86 kada litro.
Samantala, batay sa datos ng ahensya, nasa 45.97 araw ang kabuuang suplay ng petrolyo sa bansa. Naitala ang 47.10 araw para sa gasolina, 44.36 araw para sa diesel, at 143.64 araw para sa kerosene.
