“AFTER reviewing the defense pre-trial brief, one cannot help but notice that it is long on pages but short on answers.”
Ito ang paglalarawan ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ng hingan ng komento sa isinumiteng pre-trial brief ng kampo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa Senate impeachment court.
“The filing spans 72 pages, cites more than a hundred witnesses, and lists hundreds of documentary exhibits. But the question that ordinary Filipinos are asking remains unanswered: Nasaan ang malinaw at direktang pagsagot sa mga alegasyon?” patutsada ni Alonto Adiong.
Para sa Lanao del Sur lawmaker, ang proseso ng impeachment ay hindi paramihan ng pahina ng dokumento dahil ang tunay na sukatan umano lalo na sa panig ng depensa ay kung nasasagot nito ang mga alegasyon.
“Ang nakakagulat, marami sa mga testigo at dokumentong kanilang nilista ay mula rin sa mga ebidensyang matagal nang inihain ng prosecution. This raises a legitimate question: What exactly is the defense’s independent factual narrative?”
“A serious pre-trial brief should clarify issues, identify the relevance of witnesses, and assist the tribunal in focusing on what matters. Unfortunately, what we see here are broad and sweeping descriptions repeatedly applied to almost every witness and document,” anang prosecution panel spokesman.
Hindi naman naiwasan ni Kabataan Partylist Rep. Renee Co, isa rin sa tagapagsalita ng House prosecution team, na pagdudahan ang galaw ng mga tagapagtanggol sa impeachment case ng bise presidente dala ng mga aniya’y kakaibang diskarte.
“Matapos namin suriin ang kanilang pre-trial brief, isang tanong ang agad na pumapasok sa isip: May sarili ba silang depensa, o ang plano lang ba ay sirain ang mga testigo ng prosecution,” tanong ni Co.
“Walang masama sa paggamit ng mga dokumento o testigong bahagi na ng rekord. Karapatan iyon ng bawat panig. Pero ang tanong: Nasaan ang mga testigong magpapaliwanag sa panig ng Bise Presidente? Nasaan ang mga testigong magsasabi kung bakit mali ang mga alegasyon laban sa kanya?”
Ani Co, “kung halos pareho rin ang mga testigo at dokumentong ginagamit, baka ang plano ay hindi maglatag ng sariling bersyon ng katotohanan. Baka ang plano ay kuwestiyunin lamang at atakihin ang mga testigo ng prosecution.”
Punto ni Co, na isa ring abugado, magkaiba ang isang depensa, na hindi lamang naghahanap ng butas sa kabilang panig, dapat ay naglalatag ito ng sariling paliwanag, ebidensya at testigo na may personal na kaalaman sa dinidinig na kaso.
“Kung puro pag-atake sa testigo ang maririnig ng taumbayan, hindi pa rin masasagot ang pinakamahalagang tanong: Ano ba talaga ang paliwanag ng Bise Presidente sa mga alegasyon?”
