DALAWA sa apat na inarestong demonstrador sa unang araw ng kilos protestang inorganisa ng kapatirang Iglesia Ni Cristo (INC) ang pansamantalang pinalaya ng Quezon City Police District (QCPD).
Nanatili naman sa kustodiya ng pulisya ang raliyistang nanapak umano ng pulis at isang lalaking driver ng bus na nakaipit sa isang policewoman sa kasagsagan ng pagtitipon noong Hunyo 30.
Ayon kay QCPD Public Information Office (PIO) Chief Police Major Jennifer Gannaban, patuloy na bineberipika ang pagkakakilanlan at antas ng pagkakasangkot ng dalawang indibidwal bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.
Samantala, nananatili sa Philippine National Police General Hospital ang dalawang pulis na nasugatan sa komprontasyon.
