BINUKSAN ng House prosecution panel ang presentasyon nito ng Article 4 ng Articles of Impeachment, na may kinalaman sa ginawang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte, sa pamamagitan ng pagsalang bilang testigo nito si NBI Senior Agent John Mark Calilung.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Calilung na siya ang naitalagang “agent on case” sa isinagawnang imbestigasyon ng kanilang ahensiya sa online livestream ni Duterte noong November 23, 2024.
Pangunahing naging papel umano niya ang pagkalap ng ebidensiya sa pagbabanta ng nasasakdal kina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at former Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“It means that I viewed, identified, preserved, collected, and authenticated digital evidence in the course of the investigation,” ang sabi pa ni Calilung sa direct examination by Atty. Amando Virgil Ligutan, isa sa counsel ng House prosecutors.
Kabilang sa mga nakuhang ebidensiya ay ang video ng Nov. 23 online press briefing ni Duterte na nai-livestream sa Facebook page ni former presidential spokesperson Harry Roque.
Sinabi ni Calilung na na-authenticated niya ang video recording sa screen-recorded copy ng original livestream.
Para mapreserba ang integridad ng video recording, gumawa aniya si Calilung ng ‘hash value’ nito.
“After ensuring that the contents are identical, I generated a hash value calculation on the video to ensure that the video won’t be tampered until presented in court,” paglalahad pa ng NBI senior agent.
Hiniling naman ng prosekusyon na maipalabas ang naturang video, pinahintulutan naman ng korte kung saan makikita at narinig ang pagbitaw ni Duterte ng mga katagang…“Huwag kang mag-alala, ma’am, sa security ko, kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke. Nagbilin na ako, ma’am, ’pag namatay ako, sabi ko, huwag ka tumigil, ha, hanggang ‘di mo mapatay sila.”
Binanggit din ni Calilung na nagpadala ang NBI ng preservation request sa Meta, ang pareng company ng Facebook parent company, kung saan nabigay naman ang huli ng Affidavit of Authentication of Digital Evidence bilang pagdokumento sa forensic process.
Ginawa ni Duterte ang online press briefing sa labas ng detention facility ng Kamara kung saan pansamantalang naka-custody doon ang long-time nitong si Atty. Zuleika Lopez at kasabay nito ang ginagawang paghahanda ng House officials sa paglipat sa huli sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, na mahigpit na tinututulan ng una.
Ayon kay Calilung, nagsagawa rin ang NBI NG open-source investigation upang mabatid kung mayroong naunang pahayag o pagbanata na ginawa si Duterte.
Lumalabas na noong Oct. 18, 2024 online press ng bise presidente, nagbitaw ito ng pahayag na patungkol kay Pangulong Marcos partikular ang pag-i-imagine ng nito na pinapugot niya ang ulo ng huli, pagtuligsa niya sa admistrasyon at bantang ipahukay ang mga labi ni late lPresident Ferdinand E. Marcos Sr. saka itatapon ito sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Calilung na ang mga ginawang pagbabanta na ito ng impeached vice president ay itinuring ng NBI bilang “serious security matter.”
