PARA sa mga kongresistang miyembro ng House prosecution panel, matagumpay ang ikalawang araw ng paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos na isalang ang unang testigo nito at pagkakabasura naman sa mga hirit ng depensa.
Sa press conference na kasunod ng pagdinig, sinabi ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, maituturing nilang wagi sila pagdinig na ito dahil hindi napigilan ang pagpresinta nila ng isang saksi at ito’y natunghayan ng publiko.
“It’s very clear now that we’re, sabi ko ngayon hindi pa tapos itong araw na ito, but we’re claiming victory because all the motions that were raised by the defense, most of them were overruled,” dagdag ni Alonto Adiong.
“Ultimately, nakita natin ng taumbayan ngayon na habang tumutuloy itong impeachment trial, very clear na talagang lumalabas at lumalakas ‘yung panawagan ng prosecution na ipakita sa ta
