PALAISIPAN para sa House prosecution panel kung bakit kailangan pang gamitin ang bahagi ng P612.5-million confidential funds para sa seguridad ni Vice President Sara Duterte, sa kabila pa ng pagkakaroon ng 400 security personnel. Para kay House prosecution legal spokesperson and counsel Benjamin Tolosa Jr., higit pa sa sapat ang dami ng security personnel na bahagi ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) para bantayan ang pangalawang pangulo sa loob ng 24-oras. “As pointed out yesterday, meron nang more than 400 security personnel na naka-detail kay Vice President. At ang para sa kanyang seguridad, ito na ay mismong tungkulin ng (VPSPG),” sambit ni Tolosa. Partikular na tinukoy ng private counsel ay ang naging testimonya ni Commission on Audit-Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO) supervising auditor Xylene Mae del Campo sa supporting documents na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) para sa liquidation ng confidential funds. Sa naturang dokumento, nakatala ang gastos para sa surveillance sa mga dadaanan ni Duterte sa mga dadaluhang public engagements. Para kay Tolosa, kuwestyunable ang pagdedeklara ng nasabing paggastos ng confidential funds ni Duterte para sa proteksyon dahil meron na naman aniyang VPSPG na may sapat na kakayahan at kasanayan protektahan ang pangalawang pangulo. Para naman kay House trial spokesperson at Kabataan Partylist Rep. Renee Louise Co, ang VPSPG ay may sariling pondo, na hiwalay sa OVP. Pinuna rin ni Co maging ang paggastos ni Duterte sa P112.5 million confidential funds ng Department of Education (DepEd), na pinamunuan din ng bise presidente. Giit ng Kabataan partylist solon, ang mandato ng DepEd ay makapagbigay ng quality at accessible education sa mga mag-aaral — subalit sa panahon ni Duterte, ang pondo ay para sa counterinsurgency at counterterrorism operations. “Paano ba nakakamit ’yun sa paggasta ng supposedly confidential intelligence funds for ‘counterinsurgency, counterterrorism operations’? Hindi natin nakikita, hindi clear ’yung connection,” sabi pa ni Co. Kumbinsido naman si Co na sa patuloy na pag-usad ng impeachment trial at pagsalang sa mga testigo ay lalong bibigat ang alegasyon na hindi pa rin nasasagot ni Duterte. “So marami pa ’yan. And pabigat ng pabigat kung hindi po ito nasasagot. At padami ng padami ’yung ebidensya to support ’yung mga anomalies na ito.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Netizens binalaan sa fake news ng socmed reels