MULA pa sa unang araw ng paglilitis, patuloy ang pagbaha ng fake news ng mga bayarang trolls na umano’y nasa likod ng video reels sa social media. Sa isang kalatas, nanawagan sa publiko si Kabataan partylist Renee Co na tumatayong tagapagsalita ng House prosecution panel, na maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood sa social media hinggil sa paglilitis ng Senate Impeachment Court kay Vice President Sara Duterte. “Mukhang ito yung nangyari na since day one. May nakita tayong isang strategy din na nag-iiwan ng tanong and in the same breath ay babaluktutin ‘yung tanong na ‘yon,” wika ng militanteng kongresista. “So yung fear natin, and nakita na natin ‘to noon, at ‘yun din po ‘yung mandato ng mga tagapagsalita para iklaro, maaari talagang lumala yung disinformation, fake news sa social media algorithm bubbles na maaaring ang ating mga kababayan ay makulong kung the same kind of content without external validation ang makita sa ating mga social media feeds,” dagdag pa niya. Kabilang sa mga tinukoy ni Co ang paglabas ng spliced video ni House prosecutor at Akbayan partylist Rep. Chel Diokno sa social media kung saan pilit aniyang pinalabas na umamin ang prosekusyon sa walang ebidensya at gumawa lamang ng fishing expedition. Upang hindi mabiktima ng mga mapanlinlang na social media post, hinikayat ni Co ang mga netizens na subaybayan ang impeachment proceedings at huwag basta maniwala o pumatol sa social media content. “Sa puntong ito, vulnerable tayong lahat sa fake news, sa disinformation, kaya po kailangan mas extra mindful tayo at nakatunghay mismo doon sa prosesong nangyayari live sa impeachment proceedings, hindi po nakasalalay lang sa mga reels na maaaring nating makita.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation OVP walang karapatan diktahan ang COA 400 bodyguards kulang sa seguridad ni Duterte