HINDI malayong ginamit lang ni Vice President Sara Duterte ang daan-daang milyong confidential funds ng kanyang tanggapan sa paghahanda sa kandidatura sa 2028 presidential election. Sa isang pahayag, partikular na pinagbatayan ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang testimonya ni Commission on Audit state auditor Xylene Del Campo sa Senate impeachment court kung saan inilahad ang mga aktibidad na dinaluhan ng pangalawang pangulo. Kabilang sa mga binanggit ni Del Campo ang pamamahagi pamasko, mga pulong, tree-planting, medical missions at iba pang anyo ng “kampanya” gamit ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). “Sa aking palagay, parang connected dito sa pagpapakilala at pangangampanya ng VP. Paano ka magiging confidential in nature ng Christmas party? Paano ka magkakaroon ng isang confidential by nature na activity na pakikipag-coordinate ka sa Knights of Rizal?” Ipinunto rin ni Adiong ang salaysay ni Del Campo na ilan sa mga aktibidad na pinag gamitan ng naturang pondo ay nangyari sa pagitan ng Disyembre 13 hanggang Disyembre 18, 2022, bagama’t ang sakop ng cash advance ng OVP ay para sa December 12 hanggang 31 ng nasabi ring taon lamang. “Kasi ang only way you can actually conduct an activity, ang gagastusin mo is ang confidential funds na hindi nauuna muna ang aktibidad bago pa i-release ang pera,” giit ng tagapagsalita ng House prosecution panel. Ayon kay Adiong ang mga bagong rebelasyon sa paggastos ng OVP sa daang-daang milyong confidential funds ay maihahalintulad sa kaduda-dudang acknowledgement receipts na ginamit ng huli sa isinumite nitong liquidation report sa COA. “Kayo ang pinanggalingan ng AR, kayo ang may kilala sa mga informants ninyo; the burden of proof has now shifted to the defense,” aniya pa. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 400 bodyguards hindi sapat kay Sara Duterte Anak ng mayor, wanted sa panggagantso sa US