PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan sa nakalipas na dalawat kalahating buwan, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Partikular na tinukoy ng pambansang pulisya ang mga barilan, pananaksak rambol at bullying na kinasasangkutan ng mga kabataan at mga estudyante sa loob ng mga paaralan mula Hunyo 16 hanggang sa kasalukuyan.

Pasok sa datos ng PNP ang 26 bomb threats at 12 shooting threats, gayundin ang apat na insidente ng pananaksak, apat na kaso ng illegal possession of firearm, dalawang death threat, at dalawang shooting incidents.

Kabilang sa mga pinakamatinding insidente ang pag-atake ng isang Grade 8 student sa isang Grade 5 classroom sa General Trias, Cavite noong Hunyo 16, kung saan pitong bata ang sinaksak.

Hunyo 22 naman nang bawian ng buhay ang tatlong estudyante sa naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Sa naturang insidente, nasa 20 iba pa ang nasugatan.

Pinakahuling insidente ng karahasan ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 19 na ikinasawi ng dalawang high school students.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *