HINDI na ikinabigla ng Office of the Ombudsman ang biglang pagbawi ni retired Marine Technical Sergeant Orly Guteza sa sinumpaang salaysay na direktang nagdawit kay former House Speaker Martin Romualdez sa flood control scandal.

Sa bagong salaysay, ikinanta ni Guteza sina Senador Rodante Marcoleta at dating Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na umano’y nasa likod ng kanyang pagharap bilang testigo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, 2025 kaugnay ng imbestigasyon sa flood control scandal.

Pag-amin ng retiradong sundalo, hindi madaling tanggihan ang alok nina Marcoleta at Defensor kapalit ng paglagda sa isang affidavit at pagkaladkad sa pangalan ni Romualdez.

Bukod aniya sa malaking halaga, pinangakuan din umano siya ni Defensor ng scholarship para sa kanyang mga anak.

Nakapaloob din sa bagong affidavit ni Guteza ang lugar kung saan naganap ang pag-uusap — sa isang Japanese restaurant hindi kalayuan sa Senado.

Sa pagnanais mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, pumayag umano siya sa kina Marcoleta at Defensor.

Pag-amin ni Guteza, lubos niyang pinagsisisihan ang pagpapagamit kina Marcoleta at Defensor na hindi naman aniya tumupad sa usapan — walang pera, wala rin educational scholarship batay sa napagkasunduan.

“Hindi na din ako kinontak ng opisina ni Sen. Marcoleta o former Congressman Mike Defensor kaya doon ko natantiya na ginamit lang talaga nila ako, sapagkat huli na ang lahat na mga pangyayari at ako’y lubos na nagsisisi,” ani Guteza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *