PATULOY ang pagdami ng mga lokalidad na nagdeklara sa State of Calamity bunsod ng tinamong dagok ng sabayang epekto ng bagyong Luis, Maymay at habagat. Batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), kabilang sa mga nadagdag sa talaan ng lokal na pamahalaan na nagdeklara sa State of Calamity ang Dagupan City, Santa Barbara, Mangaldan, Bugallon, at Mangatarem sa Pangasinan. Kasama rin ang Masinloc, Zambales; Montalban, Rodriguez, Rizal; at Nasugbu, Batangas. Gayundin ang buong lalawigan ng Bataan na may 12 bayan, Pampanga na may 21, Cavite na may 23, at Bulacan na may 24. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Guteza target talupan sa pagbawi ng testimonya