SA halip na katahimikan, posibleng kulungan pa rin ang kahahantungan ni retired Marine Sergeant Orly Guteza dahil sa kasinungalingan na inilahad sa pagdinig ng senado sa flood control scandal.

Para kay Senador Panfilo Lacson, malinaw na may pananagutan pa rin si Guteza sa ilalim ng umiiral na batas — sa kabila pa ng pagbawi ng sinumpaang salaysay na direktang nagdadawit kay dating House Speaker Martin Romualdez.

“Orly Guteza’s recantation should not end there,” wika ni Lacson.

Gayunpaman, nilinaw ng senador na inaasahan na ang pagbawi ni Guteza sa nilagdaang testimonya kung saan nakasaad ang umano’y pagde-deliver ng male-maletang pera sa tahanan ni dating lider ng Kamara — sa utos ni former Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.

Sa ilalim ng Republic Act 11594, may karampatang parusa ang sinuman mapapatunayan nagkasala sa kasong perjury — pagkakakulong mula anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

“Republic Act No. 11594 which we passed in October 2021 has increased the penalty for perjury to prision mayor. Further, a person who induces another to commit perjury is also liable for being a principal by inducement.”

Sa bagong salaysay na isinumite sa Office of the Ombudsman kamakailan, tinukoy ni Guteza sina Senador Rodante Marcoleta at former Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na umano’y nag-utos sa kanya kaladkarin sa kontrobersiya si Romualdez — kapalit ang pera at scholarship grant para sa mga anak na nag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *