WALANG plano — at lalong walang dahilan para humiling si Vice President Sara Duterte na makipag dayalogo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa kinakaharap na kaso ng pangalawang pangulo.

Ito ang giit ni defense panel spokesperson Atty. Michael Poa kaugnay ng mga ulat na nais umanong makipag-usap ni Duterte kay Marcos.

Ayon kay Poa, isang malinaw na fake news ang kumalakat na “balita.”

“Fake news, fake news,” ani Poa sa isang ambush interview sa ika-17 araw ng paglilitis ng Senate impeachment court sa pangalawang pangulo.

“Parang ano lang yan… ‘yung binato ako ng laptop o kung ano man. It’s also fake news,” dagdag niya.

Usap-usapan sa social media ang umano’y hiling ni Duterte makausap si Marcos — bagay na ipinagkibit balikat lang ni Undersecretary Claire Castro na tumatayong tagapagsalita ng Palasyo.

Nauna nang sinabi ni Castro na hindi niya makukumpirma ang napaulat na pagpupulong ng dalawang lider dahil wala umanong ibinabang anumang impormasyon hinggil sa nasabing usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *