MATAPOS pagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ng dalawang kapwa akusado, hindi malayong hilingin na rin ni Senador Jinggoy Estrada sumailalim sa tinatawag na “hospital detention.” Bilang pambungad, pinaboran ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Estrada na pahintulutan magtungo sa isang pribadong ospital sa San Juan City para magpasuri ng tuhod sa pamamagitan ng x-ray. Nakatakdang isagawa ang pagsusuri ala-1:00 ng hapon ng Agosto 26 sa isang pribadong ospital sa San Juan City. Ayon sa abogado ni Estrada, dumaranas ang senador ng joint effusion sa parehong tuhod, isang kondisyon kung saan naiipon ang likido sa loob o paligid ng kasukasuan. Nauna na rin siyang na-diagnose na may osteoarthritis at nakakaranas ng “flare-up” ng tuloy-tuloy na pananakit sa parehong tuhod, na umano’y lubhang nagpapahirap sa kanyang paglalakad. Nakatakda namang ibalik si Estrada sa New Quezon City Jail nang hindi lalampas sa alas-3:00 ng hapon sa parehong araw. Nahaharap si Estrada sa kasong plunder kaugnay ng tinaguriang flood control scandal. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sara, walang hirit na meeting kay Marcos Cash gift ng mga senior citizens, iniipit ng NCSC