TALIWAS sa inaasahan, hindi pa makakabalik takdang petsa si Senador Loren Legarda mula sa bansang France matapos humirit pa ng extension sa “bakasyon” Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, kinumpirma ni Senate Secretary General Renato Bantug ang pagpapalawig sa medical leave ng senador hanggang Setyembre 2. Ayon kay Bantug, nagpadala abiso si Legarda hinggil sa pagliban sa trabaho bilang senador sa plenaryo at hukom sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte. Sa datos ng Office the Senate Secretary General, lumalabas na ang hirit ni Legarda ay ikaapat na medical leave na isinumite ng naturang senador sa loob lang ng isang buwan. Giit ni Legarda, kailangan pa umano sumasailalim sa medical evaluation kaugnay ng sakit sa baga — bagay na inayunan ni Senador Panfilo Lacson na umamin na personal siyang tinawagan ni Legarda para ipaalam ang kanyang kondisyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Villar: Panukalang travel tax abolition, pagtibayin