DAHIL sa bigat ng kinakaharap na alegasyon, nagpasya ang Sandiganbayan Third Division na patawan ng tatlong buwang preventive suspension si Senador Jinggoy Estrada.

Batay sa resolusyon na inilabas ng korte, ipinag-utos ng korte ang pagsuspinde kay Estrada bilang mambabatas ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Nahaharap si Estrada sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan ng Bulacan.

Ipinataw ang preventive suspension matapos resolbahin ng korte lahat ng usapin kaugnay ng paratang laban sa senador.

Bago pa man inilabas ng Sandiganbayan ang naturang desisyon, una nang pinagbawalan ng senado ang pagboto ni Estrada sa impeachment trial sa bisa ng bagong impeachment ruling na nagpababa sa voting threshold para mahatulang “guilty” si Vice President Sara Duterte.

Paglilinaw ng Sandiganbayan, agad na mawawalan ng bisa ang suspensyon pagkatapos ng anim na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *