NAGLULUKSA ang hanay ng mga mamamahayag matapos ang panibagong insidente ng pamamaslang sa isang radio broadcaster sa bayan ng Daraga, lalawigan ng Albay. Sa ulat ng lokal na pulisya, kinilala ang biktima sa pangalang Adrian Loterte na mas kilala bilang Golden Boy sa programa sa radyo. Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 4:00 ng hapon nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang biktima habang nakabantay sa negosyong panaderya. Agad na tumakas ang mga salarin sa direksyon ng Barangay Kimantong gamit ang itim na motorsiklo. Agad naman isinugod sa Daraga Doctors Hospital ang broadcaster na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. Patuloy ang imbestigasyon ng Police Regional Office 5 sa nangyaring insidente. Samantala, kinondena ng iba’t ibang grupo ng mga mamamahayag ang panibagong insidente ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Marcos. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P45 dagdag-sahod sa Calabarzon, kasado